Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

MGA KAUGALIANG PINOY

2 posters

Go down

MGA KAUGALIANG PINOY Empty MGA KAUGALIANG PINOY

Post  jinksky Fri Dec 02, 2011 9:59 am

mga kaugaliang pinoy!

1. Negatibo: Kawalan ng disiplina ng ilang Pinoy at hindi pagsunod sa mga alituntunin. Kung ano ang bawal yun ang ginagawa. Bawal magtapon ng basura, katabi nito'y nilalangaw na plastic bag. Bawal umihi, katabi nito'y mama at aso'ng sabay lumalabag.

2. Positibo: Walang kapantay na Hospitality ng mga Pinoy. Halimbawa. Ang mga nakatago at iniingatang muebles ay bigla na lang lalabas kapag may bisita samantalang ang mga ginagamit nyo'ng pamilya ay mga luma na. Isa pang halimbawa ay ang tuwing may pyesta, ipapangutang yan para may handa at maipakain sa mga bisita.

3. Negatibo: MaƱana Habit o pagpapabukas/pagpapaliban ng gawaing pwede namang gawin ngayon. Halimbawa, pagdidilig ng halaman sa umaga pero dahil katatamaran, aabutin na ng gabi ay di pa rin ito nadidiligan. Maganda ring halimbawa ay ang mga pinapagawa ng boss sa trabaho na 2 araw bago magdeadline ay saka pa lamang sisimulan. Dahilan para malate ang isang proyekto.

4. Negatibo: Crab mentality o panghihila pababa na usong uson sa gobyerno pati na rin sa pribadong sektor. Sa ilang call center pa nga lang, talamak ang ganitong istratehiya para lang makaangat. Siraan dito, siraan doon.

5. Positibo: Bayanihan - na talaga namang makikita mo tuwing nagkakaroon ng suluranin ang kapwa Pinoy. Halimbawa na lamang ay ang sama-samang paglilinis ng mga baradong kanal para makaiwas sa mga sakit. Kapag may sunog at wala pang bumbero, tulung-tulong ang magkakapitbahay sa pagsugpo ng apoy kesa tumunganga at antaying masunog ang buo nilang lugar.

6. Positibo: Po at Opo - na hanggang sa ngayon ay maririnig pa ring ginagamit ng mga bagong kabataan. Bagamat may mga ilang bata na hindi gumagamit ng mga salitang ito bilang tanda ng pag-galang, siguradong kapag sila'y naturuan ng mabuting asal, masasanay din sila sa paggamit ng po at opo. (Sa kabisayaan, ang hindi paggamit ng po at opo ay hindi nangangahulugang hindi sila gumagalang. Walang po at opo sa wikang bisaya)

7. Positibo: Masayahin - isa ang lahing Pinoy sa mga pinakamasayang tao sa mundo. May problema man o pagsubok na pinagdadaanana, ngingiti at ngigiti tayo sa kabila ng lahat. Sabi nga sa kanta, "at kahit ano pa man ay ngiti ka lang")

8. Positibo: STRONG FAMILY TIES - tayong mga Pinoy, pinahahalagahan natin ang ating mga Pamilya. Kahit na ba ang isa ay may sarili nang pamilya, hindi ito matitiis ng kanyang mga magulang at handa pa ring tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

9 Positibo: Mapamaraan - kayang tumayo sa sariling paa kahit saan mang sulok ng mundo. Madali ding makaadapt sa environment ng bawat bansang kanilang pupuntahan. Ang pagiging maparaan ang naglagay sa atin sa world map dahil sa mga imbensyon gaya ng karaoke, moon buggy, fluorescent light at iba pa.

10. Positibo: Matatag na pananampalatay. As of 2000, meron 72.2 milyon na Kristiyano ang ating bansa. 84 na poryento ng populasyon. Tanging Pilipinas lamang ang Christian Archipelago sa Silangang Asia. Dahil sa pananampalataya, bawat bayan ay may sariling Patron. Isa pang patunay ng ating pananampalataya ang simbang gabi o Misa De Gallo.

jinksky
jinksky
New Member
New Member

Posts : 26
Points $ : 174
Join date : 2011-11-18
Age : 33

http://eventshistory.blogspot.com

Back to top Go down

MGA KAUGALIANG PINOY Empty Re: MGA KAUGALIANG PINOY

Post  perryparanoid Mon Dec 05, 2011 12:33 pm

You see, mas madami pa ring positive traits natin, which kind of makes me proud Wink

perryparanoid
Active Member
Active Member

Posts : 84
Points $ : 498
Join date : 2011-11-21
Age : 29
Location : MNL

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum